Stainless Longganisa

Stainless Longganisa

by Bob Ong

Ito ang Stain Longganisa, mga kwento ng nagtataeng ballpen sa kahalagahan ng pagbabasa, pag-abot ng mga pangarap, at tamang praan nG pagsusulat,"Wow!

  • Language: Filipino; Pilipino
  • Category: Humor
  • Rating: 3.81
  • Pages: 188
  • Publish Date: 2005 by Visprint, Inc.
  • Isbn10: 9719257423
  • Isbn13: 9789719257424

What People Think about "Stainless Longganisa"

Ito ay sinabi raw ni Mortimer Adler sa How To Love a Book ayon kay Bob Ong. Maraming tinatamaan nito sa Goodreads kasama na ako. Hindi ko lang alam kung sino ang tinutulungan nya at magkano sa mga benta ng libro niya ang pumupunta sa kawanggawa. Hindi ko rin puwedeng sabihing nagustuhan ko dahil ang librong ito ay parang kahalintulad ng "Three Weeks With My Brother" ni Nicholas Sparks. Parang binuyangyang ni Bob Ong ang sarili para ipaliwanag kung sino sya lalong-lalo na kung saan sya nagsimulang magkaroon ng hilig sa pagsusulat, ang mga pananaw niya sa mga kritiko at pagpapaliwanag niya ng sarili niyang istilo na hinalintulad nya kay Robert Fulghum. Pero sa depth, message in life at nakakatawang punchlines, hindi yata ako makakapayag dahil malayo pa ang kakainin ni Bob Ong sa aking opinyon. Ang pinakaayaw ko kay Bob Ong sa librong ito ay ang kanyang self-depracating na pagpapaliwanag kung ano siya. Kung gusto nyang magpa-cute bakit di na lang Bobo Ako - totally self-deprecating at huwag nang idamay ang mga Pinoy at ang pagpapaliwanag niya kung bakit siya sumusulat sa sariling wika: "Dahil gusto kong maintindihan ako ng mga kababayan ko. Kung gusto kong malito lang ang mga karaniwang tao at hindi maintindihan ang sinasabi ko para kunyari may sinasabi ako kahit wala, mag-e-English ako. Oo na, sa dinami-rami ng mga libro ni Bob Ong ngayon sa shelves ng National Book Store, masaya naman ako na nanunumbalik ang hilig ng mga bata sa pagbabasa.

Wala akong masabi kung ano ba talaga ang pinagdaanan ni Bob Ong sa pagsulat ng kanyang mga unang aklat. Yun nga lang mga banyagang aklat ang binebenta at sino naman makakaintindi nun edi sila rin. Tama nga naman, may sense of humor lang talaga si Bob Ong na kaya niyang patawanin ang mga Pilipino at dinagdagan niya ng mga kwentong totoo, ala half Fiction, half Non-Fiction. Lahat ng aklat ni Bob Ong ay may mga malalalim na dahilan kung bakit niya ito isnulat, yun nga lang di ko siya talaga nagustuhan kahit ako na mismo ang papasok ng aklat niya sa utak ko. Kung sinasabi niyong masama ako, pwes, basahin niyo ang pangalawang libro niya, siya na mismo nagsabi (in ironic) na ilang taon puro artista na ang bibida sa pulitika. Ang nagustuhan ko lang dito ay ang mga impormasyon na binahagi niya sa mga nagbabasa ng kanyang aklat, katulad na lamang sa tanung na ilang ballpen na ba nagamit mo? Kung binabasa ko ang aklat ni Bob Ong nakatatak na sa isipan ko kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit isinulat niya ito, o baka puro tsismis na naman. Kasi isinulat niya lahat ng mga dahilan niya kung bakit siya nagsulat ng mga walang kwentang kwento. Dahil sa gusto niyang i-publish kaagad ang kanyang aklat napahiya siya sa sobrang dami ng mga mali maling spelling at kinakailangan niya ulit irebisyo ang lahat. Sa pangatlong aklat niya naman kung saan ang mga artista ay naghahabulan sa posisyon ng pangulo, ay ang Black Book.

Malaki ang tulong ng librong ito sa akin dahil mas lalo lang akong nainspire na sumulat.

Bakit nga ba hindi? Bilang isang mambabasa , hindi naman kasing sama ng mga politiko ang sumubok magsulat. Bakit nga ba hindi ko subukang gumawa nang kung anu-anong shit sa papel? Nakakapagsulat lang ako pag-inspired ang lolo niyo. Hindi lang pala basta makaubos ng tinta nang ballpen ang pagsusulat. Hindi pala pupwede yung basta basta lang. Hindi man maging libro, sisiguraduhin ko naman na kapag nabasa mo ito babaguhin nito ang Facebook status mo.

hindi ako natatakot na malaman ang pananaw nila, dahil sa huli opinyon ko pa rin ang masusunod. - page 32 first time na nagsigawan ang mga salitang hindi ko narinig dati. - page 39 kung may genie na magbibigay katuparan sa lahat ng kahilingin mo pero hindi mo na pwedeng gawin ang isang bagay na pinakagusto mong ginagawa, papayag ka ba? - page 45 dahil sa pagsuslat, masasagi mo ang mga ,atatayog na egotismo ng ibang tao. - page 70 kung technology lang ang pag-uusapan, napaka s-w-e-r-t-e ng mga estudyante ngayon! - page 73 ayon nga sa mahal na patron ng mga kabataan ngayon na si eminem : "unless you want to f* me, why do you care what i look like?" - page 75 dahil nakapasa ako sa personal nilang pamantayan, kailangan lahat ng sasabihin ko lagi nang ayon sa panlasa nila. kailangan lagi kang kakaiba, cool, at liberal....kahit na maging puro kakaiba, cool, at liberal, at wala nang kwenta ang mga sinasabi ko. - page 80 dahil ang totoo, ang bansa nating naghihikahos ay binubuo ng mga taong nag-uumapaw sa talento, hindi lang natin pinapansin o pinapahalagahan. - page 96 biktima ako ng sistema na nagdidikta kung sino lang ang pwedeng mag-aral ng ano. bobo, dahil ayaw man lang bumawi, parangsumali sa boxing na nag-aakalang nasa pagsalo ng mga suntok ang puntos n'ya. nilalangaw ang utak ko ng mga bagay-bagay na na mabubugaw lang ng pagsusulat. matinding sikmura ang kailangan para matagalan mo ang mga balita gabi-gabi ng wala kang gagawin kahit ano. - page 148 isang malaking kalokohan sa mundo ngayon : ang pag-aakala ng mga tao na kailangan mo munang maging mabuti para bumagay sa'yo ang paggwa ng kabutihan---na mukhang gago, kung iisipin. na napakarami pa rin naming dapat matutunan - page 158 may tapang ba talaga yan para bumitaw sa salbabida o tatanda na lang sa pagsasabi ng "sana....?" - page 165 walang gamit ang hasaan kung walang hahasain.

Sa lahat ng libro ni Bob Ong, itong Stainless Longganisa na yata ang may pinakamaraming beses kong nabasa, bagamat hindi ko talaga alam kung ilang beses. Ang weird ng epekto sa akin pero dahil sa sobrang dalas kong basahin ito, may mga pagkakataong nalalabuan na ako sa pinagsasabi ni Bob Ong o kaya'y nagsasawa o naboboringan na ako. Pero bagamat pababa nang pababa ang rating ko sa librong ito, hindi pa rin maikakailang isa pa rin ang 'white book' sa mga paborito kong likha ni Bob Ong. Inaamin kong dahil sa librong ito, mas nahilig akong magsulat nang magsulat sa blogosperyo at mangarap na magkaroon ng sariling libro, bagamat sa ngayon eh hanggang pangarap na lang muna 'yon dahil may iba pang mas importanteng asikasuhin sa buhay ko gaya ng trabaho, kalusugan, at panonood ng basketball (joke lang).

Sa Stainless Longganisa ipinahayag ni Bob Ong ang kanyang kasaysayan bilang manunulat kung papaano siya nagsimula, kung ano ang kaniyang mga pinagdaanan hanggang maging isa sa mga kinikilala at iginagalang na manunulat ng ating henerasyon. Subalit di niya ito alintana dahil hindi naman kasama sa layunin niya ang pagsusulat ng kung ano lang ang ikatutuwa ng kanyang mga mambabasa.